
|
This is Winter, my adopted kitten.:) Although she may not be the prettiest cat (according to my brother), I adore her so much.
thanks to my Mama, for the pretty bags.Can’t wait to use them.hoho :) And yes, i like brown bags.:) — Hello normal body clock!
I usually wake up at 10:00 am ( — got a new baby!
yes.:) I got a new kitten. White fur and blue eyes. As of now, she has these thin white fur, but am still hoping she’ll develop a thicker fur when she become a full grown cat.lol I got her from my neighbor, they have a lot of cats, so the owner decided to give them away. Its so sad to see the kitten be separated from her family.:( But I don’t have any choice but to take her because the owner doesn’t want the kittens in their house anymore. By the way, I named her Winter.:) — Guys: The most precious gift you can give to your love one is the gift of your time and attention.
just because Im addicted to YongSeo couple (always and forever). And I will never get tired of watching their WGM episodes, although its more than a year since it ended. Ahh..the feeling of first love. Oh, its me singing. sorry. haha i know this song by heart! even though I don’t speak korean. It would be nice to get sweet messages from time to time. just saying. Nakakagulat pala kapag bigla na lang may mag-nagsabi sayo, ng “marry me”At seryoso daw sya..Hindi mo alam kung pinagtitripan ka lang ba o pinagtitripan(hndi yan typo). Ang nakakagulat pa dun, e hindi ko naman sya boyfriend. Kaloka lang. — How to get a response from me.
Boyfriend: I bought you food. Me: Okay. thanks. Boyfriend: I’ll take you to a nice place. Me: Okay. Thanks. Boyfriend: *mentions super junior* Me: WHAT SUPER JUNIOR?! REALLY?! OMO!! THANKS! — She is the sister, we never had. (A goodbye-but-see-you-again post)
Pinapakilala ko si Ate Ella.
Classmate ko si Ate Ella simula 2nd year college, pero naging close lang kami nung 3rd yr college. Sa konti ba naman namin, mga less than 10 siguro sa batch ko, malamang madali talaga naming maging close ang isat-isa. Si ate Ella ay second courser na. Nakatapos na sya ng I.T, nang magsimula ulit syang mag-aral ng OT. Nag-iisa na lang sya dito sa Pilipinas, dahil ang buong pamilya nya na sa Amerika na. Masasabi ko na isa sya sa may pinaka-malakas na loob na taong nakilala ko.(Alam nyo bang nanghiram yan ng cellphone sa katabi nya sa jeep para lang maki-insert ng simcard nung na-lowbatt sya?!) Kung ako kasi nasa lugar nya, madedepress lang ako pag wala sa paligid ko ang pamilya ko. Kahit nga ata close na kamag-anak wala na sya dito sa Pinas. For short, independent sya. Namumuhay mag-isa,(may mga kaibigan naman), pero maski na, malungkot pa din di ba? Pero hindi sya nagpa-apekto dun. Sabi nya nasanay na sya. Yun nga, sa loob halos ng 4 na taon (kasama na ang 1 taong post-graduate buhay namin) ay lagi namin syang kasama. Hindi man araw-araw, pero ung tipong isang tumbling lang, kasama na namin sya. (On the picture: Rk, me, ate Ella and Drew)
Lagi kami sa dorm nya tumatambay, lalo na kung wala talagang mapuntahan. Sa tuwing may problema ako, na kadalasan tungkol sa pag-ibig, lagi ako sa kanya pumupunta. Hindi man sya kagalingan magbigay ng advice, pero andyan pa rin sya. As in andyan, nagcocomputer habang umiiyak ako.Pero nakikinig.hehe :P (On the picture: me, ate Ella and Drew)
Tumira din pala kami ng ilang buwan na magkasama sa iisang apartment nung mga panahon na nagrereview kami. Sya yung kasama ko sa kwarto ng ilang buwan. Nakikishare ako ng electricfan sa kanya. Sya din ang nagturo sa akin kung pano magkulot ng buhok. At sya din ang kakwentuhan ko sa mga alanganing oras ng gabi bago matulog. (On the picture: Rk, Leanne, ate Ella and franz - review days)
(The room we shared)
Andyan sya lagi, 24/7. Parang 7-eleven lang. Masasabi ko na naging tunay na ate sya sa aming magka-kaklase. Halos lahat kasi kami walang ate,(si Rani lang meron.) Anyway, 7 lang kasi kami talagang original batch (RK,Drew, Franz,Leanne, Rani, Ate ella,Ako). Alam mo yung takbuhan sya ng lahat? (ang mga sumusunod ay base lamang sa aking mga observation.) Julie: Ate ko si Ate Ella kapag may problema ako sa love life, at gusto ko ng kasama mag-fan girl sa mga kpop idols. RK: Ate ko si ate Ella kapag gusto ko ng kasama kumain, manood ng pelikula at magshopping. Lee: Ate ko si ate Ella, kapag gusto ko ng kausap tungkol sa ka-oc-oc-an. Drew: Ate ko si Ate ella kapag gusto ko ng makakausap tungkol sa mga problema ko sa buhay, lalo na kapag feeling ko nababaliw na ko. Franz: Ate ko si Ate Ella kapag may gusto akong kausapin tungkol sa general knowledge. Rani: Ate ko si Ate Ella, kapag meron akong mga lessons/subjects na hindi pinapasukan, at wala akong assignment o notes. (On the picture:franz, me, ate Ella and Drew)
Kaya naman ngayong aalis na sya, at pupunta na sa Amerika, nalulungkot talaga ako. Oo, masaya din ako para sa kanya kasi makakasama nya na ang buong pamilya nya, pero nalulungkot din na wala na kaming Ate dito. Things will never be the same, sabi nga nila. Kaya naman Ate Ella, mamimiss ka namin ng sobra. Alam mo yan. :D Pero di bale, magkikita kita pa din tayo..yaan mo, sa california ako mag-papa-assign. hahaha pepestihin kita. :))
Hanggang sa muling pagkikita Ate Ella! Naway maging succesful OT ka sa Amerika. Can’t wait till we see each other again! :D (On the picture: Kuya John, Leanne, Me,Ate ella and RK)
And you will always be the sister, we never had. — Pagod, pero masaya.
Pagod. Bumisita kasi si boyfriend dito sa Biñan kanina. Aba syempre, naghanda naman ako. Nagpakitang gilas sa pag luluto, kahit na di marunong. Pero mukhang okay naman. Masaya. Dahil naipakilala ko siya s mga kapatid ko at tito at tita ko. At nakapag-skype din with mama. Pinasyal ko din sya sa school kung saan ako nag-aral mula prep hanggang college. Ang sarap sa pakiramdam na naibahagi ko sa kanya kahit konting parte ng buhay ko. |
I’m currently researching about cat breeds. When I came across an unfamiliar breed, called Foreign white siamese. And that’s when I found my adopted kitten’s breed. They’re not the cute type kittens that will make anyone go “awww”, they actually look scary if you’d ask me. But cats are cats, no matter what breed, they’re adorable. By looking at these pictures below, I could see how will Winter look in a few months. :)